Posts

Hanggang Saan Aabot ang Pagmamahal mo?

Bakit nga ba iniiwan ang isang tao? Huwag kang umiyak dahil nasaktan ka, dahil pinili mong magmahal kailangan mong tanggapin kung anong balik nito.  Hindi ka lulungkot kung hindi ka naging masaya, kaya ang bawat luhang pumapatak ay resulta ng masasaya at malukungkot na pahina sa isang kabanata ng iyong buhay.  # Budoyology Ano nga ba ang pakiramdam ng nagmamahal?  Kapag bumilis ba ang tibok ng puso kapag nakikita mo siya, ayon na ba? Paano ba ang magmahal? Hindi ko alam.  Hindi ko na alam.  Ilang taon na din akong mag-isa.  Nakalimutan ko na yata kung ano ang pakiramdam at paano magmahal.  Kaya kung ako ang tatanungin at hihingan ng payo HINDI KO ALAM. Noong isang araw, nag-message ang isa kong kaibigan sa FB group chat. Becky Belo: Kailangan ko ng magmove on. Belat Padilla:  Bakit? Becky Belo: Basta kung babalik, babalik. Sana bumalik siya kase siya na ang gusto ko. Belat Padilla: Nakipaghiwalay na siya? Ako : Sabi ko na nga...