Hanggang Saan Aabot ang Pagmamahal mo?

Bakit nga ba iniiwan ang isang tao?
Huwag kang umiyak dahil nasaktan ka, dahil pinili mong magmahal kailangan mong tanggapin kung anong balik nito. 

Hindi ka lulungkot kung hindi ka naging masaya, kaya ang bawat luhang pumapatak ay resulta ng masasaya at malukungkot na pahina sa isang kabanata ng iyong buhay. #Budoyology

Ano nga ba ang pakiramdam ng nagmamahal? 

Kapag bumilis ba ang tibok ng puso kapag nakikita mo siya, ayon na ba?

Paano ba ang magmahal?

Hindi ko alam. 
Hindi ko na alam. 
Ilang taon na din akong mag-isa. 
Nakalimutan ko na yata kung ano ang pakiramdam at paano magmahal. 
Kaya kung ako ang tatanungin at hihingan ng payo HINDI KO ALAM.

Noong isang araw, nag-message ang isa kong kaibigan sa FB group chat.

Becky Belo: Kailangan ko ng magmove on.
Belat Padilla: Bakit?
Becky Belo: Basta kung babalik, babalik. Sana bumalik siya kase siya na ang gusto ko.
Belat Padilla: Nakipaghiwalay na siya?
Ako: Sabi ko na nga ba eh. Naramdaman ko na yan. Haha! Baka madamingbgumulo sa isip niya ngayon.
Belat Padilla: Baka nastress lang sya ng sobra kabs, patay kase yung daddy nya diba, hindi basta basta aayaw na parang bigla na lang nagsawa, baka nalilito lang sya kaya nagdesisyon sya ng ganyan.
Becky Belo: Sabi nga ng Daddy ko kase iniyakan ko n sya ngayon ndi na kaya tlga.
Sabi nya "Iiyak mo lang yan, mahal ka namin ng Mommy mo"  kung para sayo yan, para sayo yan"
Belat Padilla: Hay, awayin ba namin gusto mo? Tsarot lang 😂 yaan mo kabs di namin sya bati. Si RC Munoz Balintawak makakapagbigay ng magandang advice dyan di ba? 😂
RC Munoz Balintawak: beh the thing about love is not always "if it is meant to be it is meant to be." just live with the pain???
Belat Padilla: Baka naguguluhan lang yung tao, hayaan mo na lang muna, edi kung hindi babalik edi punyeta sila! Magsama sama 😂😂
Iinom daw natin yan!
Becky Belo: Pero kung may darating na mas better sana, wala nalang kase sya na yung the best, sana sya nalang yung gawing better person for me.
Ndi, na ko nagdadasal fpr myself, pinga dadasal ko nalang na sana, Ok na sya sana wala na syang pain.
Kung masasagasaan ako mamaya, tapos sasabhin ng Diyos na bubuhayin nya ko ulet, sasabihin ko wag muna, iintayin ko nalang sya, kase gusto ko kami ulit.
Belat Padilla:
Rc Munoz Balintawak:
Ako:

Si Becky Belo ang pinaka maganda sa kanila pero kahit anong ganda ng isang tao, kung iiwan, iiwan at kung sasaktan, sasaktan. Mahilig siyang magsuot ng pang-dancer kahit hindi naman siya nagsasayaw at huwag siyang mo siyang aagawan ng balat ng manok habang kumakain dahil uuwi kang may gripo sa tagiliran.

Si Belat Padilla naman ay minsan masungit, minsan highblood, minsan badtrip, minsan stress, minsan may toyo at minsan ng nagmahal pero pilit nilalabanan dahil wala namang suyuan na naganap. Pero naniniwala pa din siya na mahahanap niya ang kanyang forever. Kaya niyang maghintay para sa pag-ibig.

At Si Rc Munoz Balintawak ay ang babaeng walang pahinga. Lahat ng oras ay inilaan na sa trabaho. Nilamon na ng sistema dahil na niniwala siya na "Sa trabaho may forever. Doon tayo sa hindi tayo iiwan" kaya minahal na lang niya ang kanyang trabaho kaysa magmahal ng tao.

Payo ko kay Becky Belo. Sana mabasa mo 'to. 

Hindi ibibigay o ibabato ang problema kung hindi natin kayang saluhin. Kung hindi mo man ito masalo ng dalawang kamay, puwede mo naman itong pulutin at hawakan ng mahigpit upang hindi malaglag. Laging isipin na hindi ito ibibigay kung walang dahilan at ang dahilang ito ang lalong magpapatatag sa iyo. 
Kung mahal ka, mahal ka. Ikaw lang ang makakasagot sa malaking tanong na BAKIT?  At ikaw lang din ang makakasagot kung kailangan mong maghintay o bumitaw na dahil baka maiwan ka at siya naman ay nakausad na.

Para sa mga taong naghahanap ng magmamahal, nagmamahal at patuloy na nagmamahal kahit ang sakit-sakit na, laging tatandaan na walang pinipiling oras ang pagpana ni kupido dahil ang pag-ibig ay kaakbay na ng buhay ng bawat isa.
Gigising ka na lang isang araw, buhay na muli ang namatay mong ugat dahil ang lahat ng bagay ay binibigay sa tamang oras at panahon.

May mga kwento ang bawat patak ng luha sa mga mata. 

Malungkot man o masaya, magsisilbi itong mukha ng nararamdaman.  

Comments